5,000 trabaho alok ng DOLE sa job fair sa EDSA Anniversary

By Rhommel Balasbas February 23, 2018 - 03:49 AM

 

Inquirer file photo

Isang job fair ang ikinasa ng Department of Labor and Employment sa darating na Linggo sa kasagsagan ng pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon sa DOLE, higit 5,000 trabaho ang iaalok ng 15 local employers at recruitment agencies na makikilahok sa ‘Trabaho, Negosyo, Kabuhayan’ (TNK) job and business fair.

Dahil dito, hinihikayat ni DOLE Sec. Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na tumungo sa nasabing event na magaganap sa Quezon City Hall grounds mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ayon sa kagawaran, ipamamahagi rin ang i-DOLE OFW cards kasabay ng job fair.

Sa inisyal na ulat ng DOLE- National Capital Region, mayroong 442 bakanteng posisyon para sa Sales associate, Management trainee, Cashier/Counter checker, Accounting assistant, Graphic artist, Account sales executive, Helper, IT programmer, Sales administrative assistant, Buyer, Carpenter, Installer, Mechanical engineer, Merchandising assistant, Painter at Plumber.

Bukod dito, sinabi naman ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na mayroong 5,000 job orders ang iaalok ng 10 recruitment agencies na pawang mga nasa sea at land-based sector.

Ang mga trabaho ay para sa mga bansang Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, Papua New Guinea, Australia, New Zealand, Taiwan, at Malaysia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.