300 pulis, lalahok sa “Salubungan,” sa EDSA anniversary

By Kabie Aenlle February 23, 2018 - 02:00 AM

 

Hindi bababa sa 300 pulis ang lalahok sa isasagawang pagsasadula ng “Salubungan” sa pagdiriwang ng 32nd anniversary ng EDSA People Power Revolution sa Linggo, February 25.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), sasama sa mga militar ang 300 mga pulis para sa taunang pagsasadula ng Salubungan o ang pagtitipon-tipon at pagkakaisa ng mga tao para patalsikin si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang tema ng EDSA anniversary ngayong taon ay “EDSA 2018: Effecting Change Towards Strengthened Democracy.”

Maliban naman sa 300 pulis sa lalahok sa Salubungan, kinumpirma ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Guillermo Eleazar na 1,500 na pulis ang itatalaga nila para magbantay sa iba’t ibang aktibidad sa EDSA anniversary.

Kabilang sa mga babantayan nila ang daloy ng trapiko, pati na ang mga inaasahang ikakasang protesta sa Linggo.

Samantala, nauna naman nang naglabas ng abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista kaugnay ng isasagawang rehearsal ng National Historical Commission of the Philippines (NCHP) ngayong araw.

Ayon sa MMDA, magsisimula ang ensayo alas-8:00 ng umaga sa northbound lanes ng EDSA, partikular na sa bahagi ng People Power Monument.

Dahil dito pinapayuhan ang mga motorista na agahan ang pag-biyahe o kaya ay gumamit ng alternatibong ruta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.