Pangulong Duterte, ayaw makialam sa iringan nina Mayor Sara at Speaker Alvarez

 

Hahayaan na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang away sa pagitan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at ang kaalyadong si House Spekaer Pantaleon Alvarez.

Ayon sa pangulo, pareho namang abogado ang dalawa kung kaya didistansya na siya sa isyu.

Una rito, sinabi ni Alvarez na bahagi na ng oposisyon si Mayor Sara matapos pangunahan ang partidong Hugpong ng Pagbabago sa halip na umanib sa partido ng pangulo na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Pero ayon kay Mayor Sara, may basbas ng pangulo ang pag-anib niya sa bagong partido.

Bwelta pa ng alkalde, mas maganda ang lagay ng Pilipinas kung hindi si Alvarez ang House Speaker.
Kasabay nito, sinabi ng pangulo na istorya o intriga lamang ng media ang napaulat na balak ng kanyang anak na si mayor Sara na tumakbong pangulo ng bansa.

Local lamang aniya ang ‘dimension’ ni mayor Sara.

Read more...