Lima sugatan sa sumabog na water tank sa Bulacan

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Sumabog ang isang water tank sa 106 Luwasan St., Brgy. Catmon, Sta. Maria, Bulacan.

Lima ang kaagad na nasugatan sa nangyaring pagsabog na kinilalang sina John Rinz Barrameda, Domingo Barrameda, Marites Magdalena, John Rey Atol at Sheila Solanoy na dinala sa Rogaciano Memorial Hospital at Brgy Poblacion Sta Maria.

Ayon kay Supt. Carl Omar Fiel ng Sta Maria Bulacan PNP, isinasailalim sa maintenance ang water tank ng sub-contractor Sapporro Foods Inc., nang biglang sumabog ang tangke na ikinasugat ng limang empleyado ng pabrika.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng bulacan pnp sa pagsabog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...