Duterte personal na nakiramay sa mga kaanak ng OFW na pinatay sa Kuwait
Personal na dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng Pinay Overseas Worker (OFW) na pinatay at inilagay sa loob ng isang freezer sa bansang Kuwait.
Bitbit ang pinansiyal na tulong at ayuda mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay tinayak ng pangulo sa mga kaanak ng biktimang si Joanna Demefelis na mabibigyan ito ng hustisya.
Muli ring binanatan ng pangulo ang pamahalaan ng Kuwait dahil sa kanilang kabiguan na pangalagaan ang mga migrant workers sa kanilang bansa.
Bukod sa tulong na dala ng pangulo, binigyan rin niya ng mga cellphones ang lahat ng mga kapatid at magulang ng biktima upang maiparating sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kung ano pang ayuda ang kailangan nila.
Sinabi rin ng pangulo na ipinag-utos na niya ang full audit sa lahat ng mga kaso ng mga OFWs sa laban ng bansa lalo na yung mga biktima ng karahasan.
Inatasan rin niya ang Department of Labor and Employment at Department of Foreign Affairs na tiyakin na mabibigyan ng sapat na tulong ang mga Pinoy sa ibang bansa na biktima ng karahasan.
Umaabot sa sampung milyon ang bilang ng mga Pinoy na naninirahan o kaya ay nagtatrabaho sa labas ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.