Pagpapaliban sa Barangay at SK elections walang problema ayon sa Kamara

By Erwin Aguilon February 22, 2018 - 06:34 PM

Okay lamang para kay House Speaker Pantaleon Alvarez kung muling ipagpaliban ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa buwan ng Mayo.

Ayon kay Alvarez, wala siyang nakikitang problema sakaling hindi ito matuloy.

Paliwanag ng pinuno ng Kamara, kung mayroong pending bill at napagkasunduang hindi ituloy ang eleksyon dadalhin ito sa Senado upang doon naman talakayin at pagbotohan.

Pahayag ito ni Alvarez sa gitna ng usapin sa posibilidad na hindi matuloy ang naturang halalan sa nakatakdang pesta nito ngayong taon.

Tatlong panukalang batas ang nakahain sa Kamara upang hindi matuloy ang halalan sa Mayo.

Kabilang dito ang inihain nina Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel at ANAC-IP Party-list Rep. Jose Panganiban Jr.

TAGS: Alvarez, barangay, congrerss, Senate, sk elections, Alvarez, barangay, congrerss, Senate, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.