Word war sumiklab sa pagitan nina Speaker Alvarez at Mayor Sara Duterte

By Rohanisa Abbas February 22, 2018 - 04:22 PM

Inupakan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagtawag sa kanya ng mambabatas na bahagi ng oposisyon nang magtayo siya ng hiwalay na partido.

Sa kanyang Instagram post, minura ni Sara si Alvarez at maling babae ang kanyang hinarap.

Dagdag niya, dapat may magsumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte ng mga gawain ng mambabatas.

Inalala pa ng alkalde ang sinabi ni Alvarez na bilang House Speaker ay kaya niyang i-impeach ang pangulo.

Dumepensa naman si Alvarez at itinanggi ng inakusahan niya si Sara na bahagi ng oposisyon.

Aniya, baka mali ang nagkwento sa alkalde.

Unang ipinahayag ng mambabatas na nirerespeto niya ang bagong partidong itinatag ni Sara, ngunit ipinapakita umano nito na laganap ang political dynasty sa bansa.

Sa isang pahayag, nilinaw naman ni Sara na may basbas ni Duterte ang kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago.

Hinamon din ng alkalde si Alvarez na ipasa ang Anti-Political Dynasty Law kung sa tingin niya ay bunga ng politcal dynasty ang kanyang partido.

TAGS: dynasty, impeachment, Pantaleon ALvarez, Sara Duterte, word war, dynasty, impeachment, Pantaleon ALvarez, Sara Duterte, word war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.