Angara: Trabaho na may mataas na sweldo sagot sa problema ng mga OFWs

By Ruel Perez February 22, 2018 - 03:38 PM

Inquirer file photo

Hinimok ni Senador Sonny Angara ang gobyerno na lumikha ng mga trabaho na may malaking sweldo at akma sa kasalukuyang inflation rate.

Ayon kay Angara, kung gusto talaga na mapigilan ang pangingibang bansa ng mga Pinoy para maghanap ng trabaho dapat dito pa lang sa Pinas ay may makuha ng trabaho na may mataas na sweldo

Giit ni Angara, Vice Chairman ng Senate Committee on Labor, lalo ngayon maraming mawawalan ng trabaho dahil sa ipinag-utos na ban ng pangulo sa deployment ng mga Pinoy workers sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pag-abuso

Dagdag ng Senador, hindi rin kasi malinaw ngayon kung may naghihintay na pagkakakitaan ang mga bumalik na mga OFWs.

Kaugnay nito, naghain ang senador ng resolusyon sa Senado para iparepaso ang labor policies ng gobyerno na titiyak sa kasiguruhan ng hanapbuhay para sa mga Pilipino at maiwasan na ang pangingibang bansa.

TAGS: kuwait, OFWs, sonny angara, kuwait, OFWs, sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.