Rappler inabswelto ng NBI sa cyber crime complaint
Walang nakitang basehan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa cyber libel case na isinampa laban sa news website na Rappler.
Ayon sa NBI, paso na ang one-year prescription period noong nakalipas na buwan ng Pebrero nang isampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng ang kaso laban sa Rappler dahil sa istorya nito noong May, 2012 na nag-uugnay sa kanya sa human trafficking at smuggling.
Ayon sa Legal Service Division ng NBI, hindi rin maituturing na continuous offense ang pananatili sa website ng artikulo laban kay Keng dahil itinuturing na isang paglabag lamang ang orihinal na posting ng istorya.
Una nang sinabi ng Rappler na ang libel case na isinampa laban sa kanila pati ang pagkansela sa kanilang certificate of incorporation ay bahagi ng hakbangin na gawin krimen ang pamamahayag.
Sa inilabas naman na pahayag ng Rappler, nagpasalamat sila sa naging findings ng NBI at nanindigan na nailathala ang artikulo nito laban kay keng bago pa ipatupad ang cyber crime law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.