Ito ang naging maiksing mensahe ng Malacañang ng kay Senador Leila De Lima na ngayon ay isang taon nang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa pagkakadawit nito sa operasyon ng ilegal na droga.
Sa pulong balitaan sa Sara, Iloilo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi makikiaalam ang Palasyo sa trabaho ng korte kung saan nakabinbin ngayon ang kaso ni De Lima.
Ayon kay Roque, hindi dapat sa Malacañang humihirit ang minority senators na palayain na sa De Lima sa halip sa korte nila idulog ang kanilang panawagan.
Naniniwala si Roque na batid ng mga mambabatas na hiwalay ang trabaho ng sangay ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura.
MOST READ
LATEST STORIES