Minority senators, nanawagang palayain na si Sen. De Lima sa unang anibersaryo ng kaniyang pagkakakulong
#FreeLeilaNow
Ito ang nilalaman ng ihinaing resolusyon ng mga opposition senators na pirmado nina Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Senators Francis Pangilinan, Antonio Trillanes IV, Bam Aquino, at Risa Hontiveros
Sa paggunita ng ika-isang taon ng pagkakulong ni Sen Leila de Lima sa Sabado, Feb 24, sinabi ng mga kapwa niya senador na masakit isipin na sa halip na nagtatrabaho at nagsisilbi sa bayan na naghalal sa kanya ay nakakulong ito sa tinawag nilang gawa-gawa lamang na akusasyon.
Malinaw umano na gumaganti lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa senadora dahil sa pag-imbestiga nito noon sa mga extrajudicial killings ng Davao death squad noong si De Lima pa ang chairperson ng Commission on Human Rights.
Dagdag pa ng mga senador, dumadami na ang mga organisasyon at human rights advocates na nananawagan na palayain na si de Lima kabilang na dyan ang March 2017 resolution European Parliament at ang
Geneva-based Inter-Parliamentary Union
Nakapiit si De Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.