Panukalang batas tungkol sa divorce isasalang na sa debate ng Kamara

Inaasahang isasalang na sa debate sa plenaryo ng Kamara sa susunod na linggo ang Absolute Divorce and Dissolution of Marriage Bill.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, isa sa pangunahing may-akda ng panukala, aayusin na lamang ang mga amendments ng consolidated bills at pagkatapos ay ikakalendaryo na ito para pagdebatehan.

Sinabi ni Alvarez na target nilang aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala bago ang kanilang Lenten break sa Marso.

Tiwala naman ang House Leader na lulusot sa Kamara ang panukala dahil sa long overdue na ito.

Kabilang sa grounds sa divorce bill ang kasalukuyan ng batayan ng legal separation at annulment sa ilalim ng Family Code.

Idinagdag naman dito ang pagkakalulong sa sugal at limang taon ng paghihiwalay ng mag-asawa.

 

 

 

Read more...