Graduation sa mga eskuwelahan na apektado ng pag-aalburuto ng Mayon hindi ipagpapaliban

By Jan Escosio February 22, 2018 - 10:56 AM

FILE PHOTO | Mark Makalalad

Bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, matutuloy sa Abril ang pagtatapos ng mga graduating students sa mga lugar sa Albay na apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Sa abiso na inilabas ng Department of Education (DepEd), ang moving up ceremony para sa mga tutungtong ng senior high school at ang graduation ceremony sa mga kinder pupils at senior high students ay isasagawa sa buwan ng Abril.

Sinabi ni Education Sec. Leonor Briones nagsasagawa ng make-up at emergency classes maging sa mga eskuwelahan na ginawang evacuation centers.

Gamit ang temporary learning spaces, tatlong class shifts ang isinasagawa araw-araw para patuloy makapag-aral ang mga residente at displaced learners.

Sinabi pa ni Briones na maging ang mga teacher na apektado din ng sitwasyon ay nag-adjust sa kanilang curriculum.

Aniya ibinilin na niya sa mga teacher na na maging sa panahon ng kalamidad o digmaan dapat ay naipapagpatuloy ang pagbibigay ng karunungan o edukasyon.

Bukod pa sa pagpapatuloy ng mga klase, nagbibigay din ng psychological first aid ang deped sa mga estudyante para sa nararanasan nilang emotional stress bunga ng kanilang kondisyon.

 

 

 

 

TAGS: Albay, evacuees, Graduation, Mt Mayon, Students, Albay, evacuees, Graduation, Mt Mayon, Students

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.