Ipinatupad na ban, iaapela ng Rappler sa Malakanyang
Ipoprotesta ng news website na Rappler ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalan ang kanilang reporter na mag-cover sa Malakanyang.
Sa statement ng Rappler na ipinadala sa Inquirer, sinabi nitong magpapadala sila ng liham kay Executive Sec. Salvador Medialdea para iprotesta ang ban.
Hindi naman tinukoy ng Rappler kung kailan partikular isusumite ang apela sa tanggapan ni Medialdea.
Para naman kay Presidential Security Group (PSG) commander Brig. Gen. Lope Dagoy, sinabi ng Rappler na dapat itong humingi ng paumanhin.
Ayon sa Rappler, maitituring na ‘conduct unbecoming an officer and gentleman’ ang pahayag nito laban kay Rappler reporter Pia Ranada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.