Ulat na may Pinay na comatose sa isang ospital sa Kuwait, inaalam na ng pamahalaan

By Rohanisa Abbas February 22, 2018 - 10:14 AM

Bineberipika pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isang babaeng na-comatose sa isang ospital sa Kuwait.

Ipinost ng isang Pinay nurse sa Facebook ang video ng naturang babae na kinilala niyang si Norisa Manambit, 36 taong gulang mula sa Maguindanao.

Gayunman, sa isang panayam sinabi ni ng Overseas Workers Welfare Administration administrator Hans Leo Cacdac, na nakatanggap sila ng mga ulat na nasa isang deportation center sa Dammam, Saudi Arabia si Manambit.

Ayon kay Cacdac, patuloy nilang tinutukoy kung mayroong Pilipinong naospital sa Kuwait at aalamin ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Batay sa lumabas na ulat, si Manambit ay unang iniulat na nawawala sa Saudi Arabia at kalaunan ay natagpuan ito sa ospital sa Kuwait.

 

 

 

 

TAGS: comatose, DOLE, hospital, missing OFW in Saudi Arabia found in Kuwait, OWWA, comatose, DOLE, hospital, missing OFW in Saudi Arabia found in Kuwait, OWWA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.