400 na Mayon evacuees, nakaranas ng diarrhea

Radyo Inquirer File Photo

Patuloy na dumarami ang bilang ng mga evacuees sa Albay na tinatamaan ng diarrhea.

Mula Enero 15 hanggang Pebrero 18 ay nakapagtala na ang Albay Provincial Health Office (PHO) ng 425 na kaso ng diarrhea sa mga nagsilikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.

Tiniyak naman ni Provincial Health Officer Dr. Antonio Ludovice na patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para pangalagaan ang kalusugan ng mga evacuees.

Nananatili ding naka-deploy ang health team para sa close monitoring sa kondisyon ng mga nagsilikas.

Tinitiyak ding malinis na tubig lamang ang maiinom ng mga residente.

Maliban sa diarrhea, ilan sa mga evacuees ang nakaranas ng ubo, sipon at iba ang respiratory-related illness.

 

 

Read more...