Dapat buwagin ang United Nations dahil wala itong silbi, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ipinahayag ito ni Alvarez sa isang panayam ukol sa United States intelligence report na nagsabing banta sa rehiyon ang gyera ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra droga, at ang kanyang mga pahayag sa revolutionary government.
Inakusahan ni Alvarez ang UN na gumagawa ng mga kalokohan sa mga bansa para mapasunod ang mga ito.
Sinabi ng mambababatas na nanghihimasok ang UN sa mga bansa.
Ani Alvarez, nakaaalarma ang umano’y pakikialam ng UN sa kalayaan at soberenya ng ilang mga bansa.
Ipinanukala ni Alvarez ang pagtatatag ng United Nations of Asia para sa interes ng rehiyon.
Giit niya, hindi kailangan ng Asya ang western nations lalo pa’t pabagsak na umano ang kanilang ekonomiya at umaasa lamang sa ekonomiya ng rehiyon.