Aktibidad para sa 32nd anniversary ng EDSA People Power, simula na ngayong araw
Sinimulan na ngayong araw ang ilang mga aktibidad para sa paggunita ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power.
Ang anibersaryo ngayong taon ay may temang “EDSA 2018: Effecting Change Towards Strengthened Democracy”.
Alas 8:00 ng umaga ang magkakaroon ng weath-laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio sa Taguig City.
Ngayong araw din ang paglulunsad ng photo exhibit na mayroong titulo na “EDSA 1986, Before and Beyond: FVR Legacy of Philippines 2000”.
Ang nasabing exhibit ay kapapalooban ng mga kaganapan sa 1986 EDSA People Power Revolution at ang naging kontribusyon ni dating Pangulong Ramos.
Ang exhibit ay matatagpuan sa 4th floor Cinema Lobby ng Trinoma Mall sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.