Sa abiso ng Traffic Enforcement Bureau ng Baguio City Police Office, sarado ang malaking bahagi ng Panagbenga Park South Drive sa February 24 at 25 para bigyang daan ang grand street dancing parade at grand float parade.
Apektado rin ng pagsasara mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang:
- Mulitary Cut-off hanggang Lower Session Road
- Harrison Road
- Jose Abad Santos hanggang Athletic Bowl
Mula ala 1:00 ng madaling araw naman hanggang alas 2:00 ng hapon ay sarado ang Teachers Camp-South Drive Junction hanggang Panagbenga Park.
Gagamitin kasi ang nasabing mga kalsada ng mga kalahok sa street dancing at float parade.
Babawalan din ang mga sasakyan na pumasok sa Shape Center Mall area mula alas 5:00 ng umaga sa dalawang nabanggit na petsa hangga’t hindi natatapos ang mga aktibidad.