Maraming kalsada isasara sa Baguio City para sa aktibidad sa Panagbenga

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2018 - 08:46 AM

Maraming lansangan ang isasara sa Baguio City sa weekend para sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival.

Sa abiso ng Traffic Enforcement Bureau ng Baguio City Police Office, sarado ang malaking bahagi ng Panagbenga Park South Drive sa February 24 at 25 para bigyang daan ang grand street dancing parade at grand float parade.

Apektado rin ng pagsasara mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon ang:

  • Mulitary Cut-off hanggang Lower Session Road
  • Harrison Road
  • Jose Abad Santos hanggang Athletic Bowl

Mula ala 1:00 ng madaling araw naman hanggang alas 2:00 ng hapon ay sarado ang Teachers Camp-South Drive Junction hanggang Panagbenga Park.

Gagamitin kasi ang nasabing mga kalsada ng mga kalahok sa street dancing at float parade.

Babawalan din ang mga sasakyan na pumasok sa Shape Center Mall area mula alas 5:00 ng umaga sa dalawang nabanggit na petsa hangga’t hindi natatapos ang mga aktibidad.

 

 

 

 

 

TAGS: baguio city, Panagbenga Festival, Radyo Inquirer, road closures, baguio city, Panagbenga Festival, Radyo Inquirer, road closures

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.