Trump walang kinalaman sa deklarasyon US Intel Community kay Pangulong Duterte bilang banta sa seguridad sa Southeast Asia
Naniniwala ang palasyo ng Malakanyang na walang kumpas ni US President Donald Trump nang ideklera ng US Intelligence Community na banta sa seguridad sa Southeast Asia Region si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa bantang revolutionary government at nationwide martial law.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maayos kasi ang relasyon nina Pangulong Duterte at Trump.
Dagdag ni Roque, sariling galaw lamang ng US Intelligence Community ang pagdedeklara sa pangulo na banta sa seguridad.
Hindi rin kasi aniya magkasundo sina Trump at ang US Intel Community.
Naniniwala rin si roque na walang ugnayan sa imbestigasyon ng International Criminal Court ang inilabas na ulat ng US Intel Community dahil hindi nanan miyembro ang Amerika sa ICC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.