Ayon sa ERC ang mga private distributors tulad ng Meralco ay maari lang sumingil ng hanggang 6.5 percent na distribution system loss (DSL) ngayon taon.
Nabatid na ibababa pa ito taun-taon hanggang sa 5.5 percent sa taong 2021.
Samantala, ang mga kooperatiba naman ng kuryente ay maaring sumingil ng hanggang 12 percent ngayong taon ngunit depende pa rin sa kanilang klasipikasyon.
Ang ibang kooperatiba ay kinakailangan na magbaba ng hanggang 8.25 percent sa taong 2022.
Sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera layon ng hakbang nila na makatulong sa maliit na paraan sa mga konsyumer na makaagapay sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo.
Ipinaliwanag nito na ang system loss charge ay sinisingil ng power distributors bunga ng nawawalang supply ng kuryente bago ito makarating sa mga konsyumer.