Signal #2, itinaas na sa 9 na lalawigan dahil kay ‘Kabayan’; Metro Manila, nasa signal #1
Isa nang ganap na tropical storm ang bagyong ‘Kabayan’ at tinatahak na ang direksyon ng gitnang Luzon.
Sa 11 PM update ng PAGASA, itinaas na ang Public Storm Warning Signal Number 2 sa mga lalawigan ng Aurora, Northern Quezon kasama ang Polillo Island, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan, Tarlac at Nueva Ecija.
Signal number 1 naman sa mga lalawigan ng Isabela, Ifugao, Mt. Province,Kalinga, Abra, Ilocos Sur, Zambales, Pampanga, Bataan, Bulacan, Rizal, Rest of Quezon, Camarines Norte at Metro Manila.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 20 kph.
May lakas ang bagyo na 65 kph malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 80 kph.
Ayon pa sa PAGASA, asahan ang moderate to heavy na rainfall sa loob ng 300 km diameter ng bagyo.
Moderate to heavy rainfall at isolated thunderstorms naman ang inaasahan sa MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas at sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Batangas.
Samantala, dahil sa inaasahang epekto ng bagyo, sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Pateros at Valenzuela City ang klase sa lahat ng antas private at public ngayong araw, October 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.