Snatcher, bugbog-sarado matapos kuyugin ng publiko sa Sta Cruz, Maynila

Kuha ni Mark Makalalad

Halos magsara na ang kaliwang mata ng isang snatcher ng cellphone matapos mahuli at pagtulungang gulpihin ng taumbayan sa Yuseco corner Oroqueta St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa kuha ng Brgy. 346 Zone 35, makikita pa ang tangkang pagtakas ng suspek na si Ryan Mesina nang maabutan ito ng mga rumespondeng tanod ng barangay at mga sibilyan sa lugar.

Ayon sa biktima na si alyas Ana, pagbaba nya ng jeep sa Blumentritt ay naglakad sya papuntang SM San Lazaro kasama ang kanyang nobyo nang mula sa likuran ay hinablot ng suspek ang kanyang cellphone.

Agad naman syang sumigaw ng “snatcher, snatcher” at nagpasaklolo sa mga tanod na tyempong nagpapatrolya malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Tumulong din ang mga taong naroroon sa lugar para masakote ang suspek.

Nakuha mula sa suspek ang cellphone na nagkakahalaha ng P10,000.

Mahaharap sya ngayon sa reklamong robbery snatching.

 

 

 

 

 

Read more...