Panibagong LPA binabantayan ng PAGASA; papasok sa bansa bukas ng umaga
Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas, huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 1,825 kilometers east ng Mindanao.
Sinabi ni Rojas na sa ngayon maliit pa ang tsana na ito ay maging isang ganap na bagyo pero kung ito ay lalakas at magiging tropical depression habang nasa loob ng PAR ay tatawagin itong Caloy.
Bukas ng umaga ito inaasahang papasok sa bansa.
Habang papalapit sa kalupaan ng Pilipinas ay maka-aapekto na ang LPA sa Eastern Visayas o Eastern Mindanao bukas ng gabi o ‘di kaya ay sa Sabado ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.