Pangulog Duterte bibisita sa burol ng Pinay na natagpuan sa freezer sa Kuwait

By Dona Dominguez-Cargullo February 22, 2018 - 06:30 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang burol ni Joanna Demafelis.

Ang mga labi ni Demafelis ay nakaburol sa Sara, Iloilo.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bukod sa naitulong na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay maaring magpaabot pa ng tulong ang pangulo sa pamilya ng OFW.

Ang sinapit ni Demafelis at iba pang OFWs na naabuso sa Kuwait ang dahilan kung bakit nagpasya si Pangulong Duterte na ipatupad na ang deployment ban sa nasabing bansa.

Matapos ang gagawing pagbisita sa burol ni Demafelis, magtutungo naman ang pangulo sa “Tienda Para sa mga Bayani” sa Camp Hernandez sa Dingle, Iloilo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: deployment ban, Joanna Demafelis, kuwait, ofw, Rodrigo Duterte, deployment ban, Joanna Demafelis, kuwait, ofw, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.