India gustong pumasok sa telecom industry sa bansa
Interesado na rin ang India na maging third player sa telecom industry sa bansa.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, kinukunsidera na niya ngayon ang India.
Dagdag pa ng pangulo, nakausap na niya ang mga negosyante nang magkaroon siya ng official visit sa India noong Enero.
“India is also interested to enter into the telecom industry. And we are considering… I invited them during my talks with the businessmen of India during my official visit”, ayon sa pangulo.
Matatandaang makailang beses nang iginiit ng pangulo na kinakailangan na magkaroon ng third player sa telecom industry para mabuwag ang doupoly ng Globe at Smart Telecoms.
Buwan ng Nobyembre, inimbitahan na rin ng pangulo ang China na maging third player nang magkaroon naman ng official visit sa bansa si Chinese Premiere Li Keqiang target ng pangulo na maging operational na ang third player sa unang quarter ng taong kasalukuyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.