Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng kautusan sa lahat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) nito na agad na ipaalam sa tanggapan ni Sec. Silvestre Bello III ang lahat ng mga kaso ng pang aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Inilabas ito ni Bello sa layuning aksyunan agad ang lahat ng mga nasabing kaso.
Sa diretiba na pirmado ni Bello noong February 19, 2018 ay kanyang inatasan ang POLO na ireport ang anumang insidente ng pang-aabuso sa mga manggagawang Pinoy.
Gusto ng kalihim na i-text ng mga POLO officers ang mga nasabing kaso sa kanya at sa International Labor Affairs Bureau (ILAB) sa loob ng 24 oras.
Ang ILAB naman ang magsusumite sa kanya ng written report ng kaso sa pamamagitan ng tanggapan ni DOLE Usec. Claro Arellano.
Ang mga opisyal ng POLO na hindi susunod sa nasabing direktiba ay agad na papauwiin pabalik ng Pilipinas.