FDA nagbabala laban sa ilang mga nagkalat na food supplements
Muling nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pagkain ng mga food supplement products na hindi rehistrado sa kanilang ahensya.
Base sa kanilang post-marketing surveillance, nakumpirma nila na hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon at walang certificate of product registration ang mga sumusunod na produkto.
Kabilang dito ang Daiso select VC 1500 Lemon, Powder drink soda float jelly, Balai Homemade HP Turmeric Tea Plus, Jacquilou’s Malunggay Herbal Tea at Nurture Grace Extra Virgin Coconut Oil 350 ml.
Kasama rin sa listahan ang Acne Care Lactoferrin with Linumlife Extra and Zinc Gluconate Dietary Supplement, MS for Male Tablet at CL Pito-Pito Herbal Capsule.
Ayon sa FDA, ito ay paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.
At dahil hindi dumaan sa testing ang mga ito kaya hindi makakatiyak ang publiko sa kalidad at kaligtasan ng mga nasabing produkto.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng FDA ang mga consumesr na tiyakin na rehistrado sa kanilang ahensya ang alinmang produkto bago bilhin.
Maaari itong gawin sa search feature ng FDA website na www.fda.gov.ph.
Nagbabala din ang FDA sa mga tindahan na nagbebenta ng mga nasabing produkto na mahaharap sa kaukulang kaparusahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.