Wala umanong dapat ipangamba ang publiko hinggil sa posibilidad ng pagkakaroon ng disease outbreak matapos bumaba ang tiwala ng publiko sa immunization program ng gobyerno.
Sa ginagawang pagdinig ng senado ngayong araw hinggil sa issue ng Dengvaxia vaccine, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na nagtalaga siya ng outbreak response program na titiyak na hindi magkakaroon ng epidemia sa bansa.
Maliban dito, iniatas din umano ni Duque sa mga tauhan ng DOH na huwag titigil at huwag susuko na ikampanya ang immunization program ng DOH.
Giit ni Duque, kung kinakailangan aniyang maging makulit sila sa pagbabahay-bahay at panliligaw sa mga magulang upang huwag mawalan ng tiwala sa mga bakuna ay gagawin nila.
Aminado si Duque na may mga rehiyon na bumaba ang immunization coverage isa na dyan ang Region 9 na mula 73 percent ay bumaba ng 63%
Apela pa ni Duque sa mga magulang na huwag matakot magpabakuna ang kanilang mga anak lalo na sa mga bakuna na mapapagkatiwalaan ar matagal ng itinuturok ng DOH tulad ng sa tigdas at polio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.