Mga magsasaka dapat bigyan na ng subsidiya ng gobyerno ayon sa Bayan Muna
Hinikayat ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pamahalaan na maglaan ng subsidiya sa mga magsasaka sa bansa.
Ayon kay Zarate, ramdam na ng mga magsasaka ng epekto ng TRAIN Law dahil tumaas ang kanilang gastos sa produksyon ng palay.
Sinabi nito na ang subsidiya ay maaring ibigay sa pamamagitan ng pagpapataas sa buying price ng National Food Authority (NFA) mula sa kasalukuyang P17.00 kada kilo.
Huli anyang naitaas ang presyo nito noon pang taong 2009 kaya napapanahon na upang itaas ang kada kilo ng palay sapagkat tuloy-tuloy ang pagtaas ng produksyon ng bigas.
Hindi rin kumbinsido si Zarate sa naging pahayag ng National Economic Development Authority (NEDA) na dahil sa inflation ang dahilan ng pagtaas ng buying price ng palay ng NFA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.