Malacañang pumalag sa pahayag ng U.S na banta sa demokrasya si Duterte

By Chona Yu February 21, 2018 - 03:06 PM

Inquirer file photo

Pumalag ang Malacañang sa pahayag ng US intelligence Community na banta sa demokrasya at karapatang pantao sa buong Southeast Asia si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naging makitid at speculative ang assessment ng US Intelligence Community kay Pangulong Duterte.

Binigyang diin pa ni Roque, hindi diktador at walang posibilidad na maging diktador si Pangulong Duterte dahil sumusunod ito at nananatiling tapat sa Saligang Batas ng bansa.

Isa aniyang malinaw na patunay dito ay malayang maglabas ng balita ang media sa bansa at maaaring ilabas ng mga ito ang mga malalaking balita kahit pa ang mga fake news.

Umaandar din naman aniya ang judiciary at nanatiling independent ang lehislatura at naibibigay parin naman ng gobyerno ang pangunahing serbisyo sa mamamayan.

Binigyang diin pa ni Roque na walang umiiral na revolutionary government at national martial law na sinasabi ng US Intelligence Community na posibleng ideklara ng pangulo.

TAGS: democracy, duterte, Malacañang, Martial Law, Roque, u.s intelligence, democracy, duterte, Malacañang, Martial Law, Roque, u.s intelligence

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.