Bagyong Kabayan ramdam na simula ngayong gabi

 

Mula sa pagasa.dost.gov.ph

Sinabi ng PAGASA na simula ngayong gabi ay mararamdaman na ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dulot ng Bagyong Kabayan.

Bukas ng umaga ay inaasahang magla-landfall ang bagyo sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas Region.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 155 East-North-East ng Infanta Quezon taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bilis na 20kph.

Bukas ng umaga ay inaasahang magla-landfall ang sama ng panahon sa Lalawigan ng Aurora na posibleng pagmulan ng malalaking alon sa mga karagatan.

Itinaas na rin ng PAGASA ang Typhoon Signal Number 1 sa mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Ifugao, Quirino, Cagayan, Pangasinan, Nueva Ecija, Zambales,Tarlac, Bulacan, Camarines sur, Camarines Norte, Aurora, Catanduanes, Quezon at Polilo Island.

Ang mga nabanggit na lugar ay makararanas ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin na hindi hihigit sa 60kph.

Asahan na rin ang mga pag-ulan sa ilang nalalabing bahagi ng Luzon partikular na sa Mimaropa at ilang lalawigan sa Bicol Region.

Sinabi ng PAGASA na magiging maulap din ang malaking bahagi ng Eastern Visayas tulad ng Antique, Aklan at Capiz.

Kapag hindi nagbago ang kanyang direksyon asahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Kabayan sa Biyernes ng hapon.

Read more...