Nueva Ecija Gov. Umali binantaang ipakukulong ng House panel
Binalaan ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Surigao Rep. Johnny Pimentel na ipaaresto ang mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija kabilang na si Governor Czarina Umali.
Ayon kay Pimentel, ito ay kung muling iisnabin ng mga ito ang pagdinig naq ipinatawag ng kanyang komite kaugnay sa quarrying operations na inaprubahan din ng komite ang pagpapalabas ng show cause order kay Umali at asawa nito na si dating Governor Aurelio Umali at iba pang matataas na opisyal ng lalawigan ng Nueva Ecija na nang-isnab ng pagdinig ng komite.
Pinagpapaliwanag nila ang mga ito kung bakit hindi sila dapat i-cite for contempt sa hindi pagdalo sa pagdinig.
Ang pagdinig ng komite ni Pimentel ay base sa resolusyong inihain upang maimbestigahan ang sinasabing korapsyon at iregularidad sa quarrying operations sa Nueva Ecija.
Meron anyang inisyung 50 permit to quarry ang pamahalaang panlalawigan pero P3.9 Million lamang ang nakolekta nito sa loob ng isang taon at lumalabas na isang truck lamang kada araw ang nahahakot ng bawat quarry operator na hindi kapani-paniwala.
Nais ding malaman ng komite kung mayroong Environment Compliance Certificate ang nasabing mga quarry operations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.