Magulang ng mga batang nasawi, dumalo sa senate hearing sa Dengvaxia

Kuha nI Ruel Perez

Ipinagpatuloy ng Senate Blue Ribbon committee ang imbestigasyon nito sa P3.5 billion na halaga ng dengue vaccines na binili ng nagdaang administrasyon at itinurok sa 830,000 na mga mag-aaral.

Dumalo sa pagdinig ang magulang ng mga batang nasawi bitbit ang larawan ng kanilang mga anak; si Sanofi Pasteur Asia Pacific head Tomas Triomphe; si World Health Organization country representative Gundo Aurel Weiler.

Dumalo din si Health Secretary Francisco Duque III, at dating health secretaries Paulyn Jean Rosell-Ubial at Janette Garin; Public Attorney’s Office chief Persida Rueda Acosta at forensic laboratory head Erwin Erfe.

Sa kaniyang opening statement, sinabi ni Senator Richard Gordon, committee chairman, na hindi dapat matakot ang publiko sa iba pang mga bakuna.

Aniya hindi dapat balewalain ang mga bakuna ng gobyerno nang dahil sa isyu ng Dengvaxia.

Makatutulong aniya ang mga ito para maiwasan ang epidemia na maaring maidulot ng mga sakit.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...