5 arestado sa buy-bust sa Legazpi City

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon February 21, 2018 - 11:30 AM

Arestado ang limang katao sa isinagawang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Legazpi City.

Ayon kay PDEA-Bicol Director Christian Frivaldo, unang naaresto ng kanilang mga ahente si Salvacion Ballarbare in her residence sa Barangay 28 kung saan nasabat sa kaniya ang aabot sa 60 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P360,000.

Habang nagsasagawa ng paghalughog sa bahay, naaresto din ng PDEA ang isa pang suspek na si Vicky Guzman alyas Rhea na nakuhanan din ng ilegal na droga.

Sinabi ni Frivaldo ang suspek na si Ballarbare – kapatid ng kapitan ng barangay sa lugar ay high-value target ng PDEA.

Kapwa dinala sa detention facility ng PDEA sina Ballarbare at Guzman.

Sa hiwalay na operasyon, naaresto din ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at Legazpi City police ang mga suspek na sina Sharlon Floranda, John Bolivar, at Edgar Sarabia.

Ang tatlo ay tukoy na drug personalities sa lungsod.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bicol, Illegal Drugs, PDEA, Radyo Inquirer, Bicol, Illegal Drugs, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.