Pagbaba sa alerto ng Bulkang Mayon, pinag-aaralan ng PHIVOLCS

By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2018 - 10:59 AM

Radyo Inquirer File

Pinag-aaralan na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibilidad na ibaba ang alert level sa Mayon Volcano sa Albay.

Ito ay dahil sa pagbaba ng aktibidad na naitatala sa bulkan nitong nagdaang mga araw.

Ayon kay Ed Laguerta, PHIVOLCS resident volcanologist sa Bicol, nitong nakalipas na mga araw ay maituturing na tahimik ang physical aspect ng Mayon.

Patuloy pa rin namang nakaka-detect ng abnormalidad mula sa loob ng bulkan ang seismic instruments ng PHIVOLCS.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang alert level 4 sa Mayon.

Sa 8 a.m. bulletin ng PHIVOLCS, nakapagtala ito ng sporadic at mahinang lava fountaining at degassing mula sa bunganga ng Mayon sa nakalipas na 24 na oras.

Miyerkules ng madaling araw ay nakapagtala ng lava fountaining sa bulkan na tumagal ng hanggang 15-minuto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: mayon volcano, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, mayon volcano, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.