Suppy ng tubig sa Metro Manila muling babawasan
Simula ngayong buwan ng Oktubre ay babawasan pa ng 5-percent ang suplay ng tubig sa buong Metro Manila para sa Domestic at Municipal use.
Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo David Jr., inakailangan ang nasabing pagbababwas ng suplay ng tubig para paghandaan ang epekto ng El Nino sa bansa na tatagal ng hanggang sa Hunyo sa susunod na taon.
Mula sa 38 cubic meters per second nuong buwan ng September, ibinaba sa 36 cubic meter per second ang ibabawas sa suplay ng tubig para ngayong buwan ng Oktobre.
Kabilang sa maapektuhan nito ang suplay ng tubig para sa concessionaire ng MWSS Na MAYNILAD At Manila Waters.
Sa kabila ng pagbabawas ng suplay ng tubig naglaan naman ng standby allocation ang NWRB ng 10 cubic meters per second para sa irigasyon sa may 14,000 na hektaryang bukirin sa bahagi ng Bulacan at Pampanga.
Ito ay gagamitin sa mga panahon kailangang kailangan ng patubig mula Oct. 16 hanggang 31 para protektahan at hindi masira ang P1.1Billion na halaga ng mga pananim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.