Kongresista sa Davao Del Norte, ipinaaaresto ng Sandiganbayan
Iniutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Davao del Norte Representative Antonio Floirendo Jr. kaugnay sa kasong graft na kaniyang kinakaharap na mismong si House Speaker Pantaleon Alvarez ang nagsampa.
Sa kautusan ng 6th Division ng Sandiganbayan, nagtakda ito ng P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Floirendo.
Isinampa ni Alvarez ang reklamong graft laban kay Floirendo sa Office of the Ombudsman noong March 2017.
Batay sa reklamo, inakusahan ni Alvarez si Floirendo ay nagmay-ari ng 75,000 shares na halagang P7.5 million sa kumpanyang tagum Agricultural Development Corp. (Tadeco).
Ang Tadeco ay pumasok sa joint venture agreement sa Bureau of Corrections (BuCor) noong 2013.
Sinabi ng Office of the Ombudsman na nakasaad sa 1987 Constitution na walang senador o kongresista na dapat magkaroon ng direct o indirectly na interest at ugnayan sa kontrata sa gobyerno habang siya ay nasa pwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.