Rice importation, pinakamabilis na sagot sa rice shortage ng NFA
Paghango pa rin ng bigas mula sa ibang bansa ang nakikitang pansamantalang solusyon ng National Food Authority (NFA) para maresolba ang problema sa buffer stock ng murang bigas sa bansa.
Pahayag ito ni NFA administrator Jason Aquino sa gitna ng pagdinig ng House Committee on Agriculture salig sa limang resolusyon na nagpapaimbestiga sa supply ng bigas sa Pilipinas.
Ayon kay Aquino, pinakamabilis na nakikita niyang sagot para matapos ang problema sa kawalan ng NFA buffer stock ay ang rice importation pa rin.
Gayunman, nilinaw nito na hindi sila pabor na gawin itong pangmatagalan dahil sa katunayan ay “aggressive” pa rin kung bumili sila ng ani ng mga lokal na magsasaka.
Nauna rito sinabi ni Aquino na ang buffer stock ng NFA ay tatagal ng hanggang sa buwan ng Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.