LOOK: Ilang flights kanselado ngayong araw, February 21, 2018
By Dona Dominguez-Cargullo February 21, 2018 - 08:57 AM
Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw ng Miyerkules, February 21, 2018.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang apat na flights ng Cebu Pacific at dalawang flights ng CebGo.
Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Bicol Region.
Narito ang mga flights na apektado ng kanselasyon:
CEBU PACIFIC:
- 5J 321 at 323 Manila to Legazpi
- 5J 322 at 324 Legazpi to Manila
CEBGO:
- DG 6111 at 6112 – Manila-Naga-Manila
Ang mga apektadong pasahero ay maaring makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.