Problema sa MRT hindi pakikialaman ni Pangulong Duterte

By Chona Yu February 21, 2018 - 08:48 AM

Photo from Michael Ampat Ranque

Bagaman malala na ang problema sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3), walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na pakialaman ang problema.

Ayon sa pangulo, hindi niya ipinaabot sa Malakanyang ang anumang papales ng kontrata patungkol sa MRT o kahit na ano pa mang proyekto ng pamahalaan.

“contracts, MRT, railway, I have always ordered that it should not be endorsed to me for approval. Only the secretaries, using his judgment, using his best — the best of his — the gray matter between the ears, the due diligence that an official should do before signing contract. There are no papers of commercial contracts, constructions, MRT or whatever it is, electric, technology. You only deal with the secretary,” ayon sa pangulo.

Tiwala ang pangulo na ginagamit ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kanyang ‘best judgment’ para masolusyunan ang naturang problema.

Kumpiyansa din ang pangulo na gaya ng ibang opisyal pinaiiral din ni Tugade ang due diligence bago pumirma sa anumang panibagong kontrata.

Sa ngayon iilang tren na lamang ng MRT ang gumagana matapos i-terminate ng DOTr ang kontrata sa maintenance provider sa kumpanyang BURI.

 

 

 

 

TAGS: MRT, Radyo Inquirer, technical problem, train problem, MRT, Radyo Inquirer, technical problem, train problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.