Mga motorista inabisuhan sa isasagawang rehearsal sa EDSA People Power Monument sa Biyernes

February 21, 2018 - 08:37 AM

Inquirer File Photo

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista hinggil sa isasagawang rehearsal sa harapan ng EDSA-People Power Monument sa Biyernes, February 23.

Ang nasabing aktibidad ay bilang paghahanda ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa paggunita ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power.

Ayon sa abiso ng MMDA, isasagawa ang rehearsal ng military honor guards sa Biyernes alas 8:00 ng umaga.

Sinabi ng MMDA na maaring maapektuhan ang daloy ng traffic sa northbound lane ng EDSA.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang muna ang dumaan sa lugar sa nabanggit na petsa at oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: edsa, EDSA People Power, National Historical Commission of the Philippines, People Power Monument, edsa, EDSA People Power, National Historical Commission of the Philippines, People Power Monument

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.