“Hindi ako magbibitiw sa puwesto”. – Sec Abaya

By Chona Yu October 01, 2015 - 08:28 PM

Jun Abaya
Inquirer file photo

Walang balak si Transportation Secretary Emilio Joseph Abaya na magbitiw sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito’y kahit kaliwa’t kanang mga batikos na ang inaabot ng kalihim dahil sa palpak na operasyon ng MRT, LRT, mga paliparan at maging ang ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Paliwanag ni Abaya, mananatili siya sa puwesto hanggang sa matapos ang termino o hanggat hindi hinihiling ng Pangulo na magbitiw siya sa puwesto.

Sinabi pa ni Abaya na bilang Public Official, bahagi na ng kanyang trabaho ang pagharap sa araw-araw na mga puna.

Kasabay nito, wala nang balak si Abaya na sumabak muli sa mundo ng pulitika. Dating konrgesista sa Cavite si Abaya bago itinalaga ng Pangulo bilang kalihim ng DOTC.

Sinabi pa ni Abaya na kahit siya ang tumatayong Pangulo ng Liberal Party ay wala pa siyang magiging papel sa kampanya ng kanilang standard bearer na si Mar Roxas.

TAGS: Abaya, Aquino, DOTC, Mar Roxas, Abaya, Aquino, DOTC, Mar Roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.