POEA may paalala sa mga Filipino seafarers kaugnay sa umiiral na deployment ban sa Kuwait

By Jan Escosio February 21, 2018 - 08:11 AM

Nagpaalala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga shipping companies na bawal sa mga Filipino seafarers ang magbakasyon sa mga bansa kung saan may deployment ban ang Pilipinas.

Sa abiso ng POEA walang shore leaves sa mga marinong Filipino na ang sinasakyang barko ay magsasagawa ng port call sa mga bansa kung saan umiiral ang deployment ban.

Sakop din ng paalala ang mga ship manning agencies o ang mga ahensiya na nagpapasakay ng mga seafarers.

Nauna naman ng nilinaw ng POEA na hindi sakop ng kautusan ang mga Filipino seafarers na mapapadaan lang patungo sa kanilang principals sa mga bansa kung saan may umiiral na deployment ban.

Ngunit kinakailangan pa rin nilang kumuha ng clearance mula sa Overseas Workers Welfare Administration.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pinoy seafarer, POEA, Radyo Inquirer, Pinoy seafarer, POEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.