Amnesty program para sa mga overstaying na Pinoy sa Kuwait, pinalawig pa
Pinagbigyan ng pamahalaan ng Kuwait ang kahilingan ng Pilipinas na palawigin ang amnesty program nito sa mga overstaying na Filipino workers.
Bukas sana araw ng Huwebes mapapaso ang ibinigay na amenstiya ng Kuwaiti Government, pero pinalawig pa ito ng dalawang buwan o hanggang sa April 22, 2018.
Aabot pa sa 10,800 na mga Pinoy na pawang overstaying o di kaya ay umalis sa kanilang employers sa Kuwait ang kinakailangang pauwiin sa Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa ang extension sa naunang three-week amnesty ay nilagdaan kahapon ni Kuwait Interior Minister Sheikh Khalid Al-Jarrah Al-Sabah.
Ngayong alas 6:30 ng umaga, nasa 610 na mga OFWs pa galing Kuwait ang darating sa bansa sakay ng mercy flight ng Cebu Pacific at Philippine Airlines.
Sa pagdating ng latest batch na ito ngayong umaga, aabot na sa 1,796 ang buong bilang ng Filipino Workers mula sa Kuwait ang napauwi sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.