Mga sinasabing rice cartel ipina-iinspeksyon sa NFA at DA ng Kamara

Inatasan ng House Committee on Food and Agriculture ang National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA) na magsagawa ng inspection sa mga traders ng rice cartel sa Metro Manila.

Sa pagdinig ng komite, napagkasunduan na kaagad inspeksyunin ang 13 pinangalanan na rice traders na matatagpuan sa Dagupan St., Tondo, Maynila.

Kabilang sa mga pinangalanan ni Manila Rep. Manuel Luis Lopez ang mga sumusunod:

– EVERGREEN
– RISING SUN
– GRC
– CGG
– EXPO
– ARNS
– WORKING GOLD
– LEONECO
– PMT
– HYPE RICE
– LM RICE CEREAL
– MML GRAIN CENTER
– GRANDIO

Hiniling din ng mga myembro ng komite na kaagad gawin ng DA at NFA ang inspection para maipatigil ang anumang transaksyon.

Paliwanag ni Lopez, ang DA at NFA lamang ang may police powers para gawin ang paginspeksyon sa mga rice traders.

Ipatatawag din sa susunod na pagdinig ng Kamara ang 13 rice traders para pagpaliwanagin sa isyu ng rice shortage sa bansa.

Ang mga ito ang tinukoy din ni Lopez na dahilan ng pagpatay ng kabuhayan ng mga local farmers at local rice production sa bansa.

Read more...