Mga bahagi ng eroplanong bumagsak sa Iran, natagpuan na

By Rhommel Balasbas February 21, 2018 - 03:46 AM

Natagpuan na ng search teams ang wreckage o mga bahagi ng bumagsak na passenger plane sa Iran noong umaga ng Linggo.

Ayon sa ‘The Revolutionary Guards’ isang makapangyarihang dibisyon ng sandatahang lakas, natagpuan ang wreckage sa pamamagitan ng drone images bago pa man ideploy ang helicopters ng air forces.

Gayunman, ilang mga rescuers ang tumungo sa pinagbagsakan ng eroplano sa pamamagitan lamang ng paa matapos hindi makalapag ang ilang mga helicopters sa bundok.

Nauna nang nahirapan ang rescuers na magsagawa ng search operations dahil sa sama ng panahon

Sa panayam ng isang piloto sa local media na IRIB, sinabi nitong nakakita siya ng kalat-kalat na mga katawan sa palibot ng eroplano.

Pinangangambahang ang lahat ng 66 pasahero ng eroplano ay nasawi kabilang ang dalawang security guards, dalawang flight attendants at ang piloto at co-pilot nito.

Ang bumagsak na eroplano ay 25 taong gulang na ayon sa civil aviation organization ng Iran.

Nahihirapan ang iran na makakuha ng spare parts para sa mamintena ang kanilang mga eroplano bunga ng international sactions na ipinataw laban sa kanilang bansa dahil sa kanilang nuclear programme.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.