Belmonte pumalag sa pagre-regalo ng “sexy dancers” sa isang kongresista

playgirls
Inquirer file photo

“Tasteless!”

Yan ang pahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. kung totoo na niregaluhan ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Francis Tolentino ng mga sexy dancers si Laguna Rep. Benjie Agarao.

Sa kanyang Birthday Press Conference sa Kamara, sinabi ni Belmonte na hindi siya makapaniwala sa “authenticity” ng mga kumakalat na litrato o video ng “sexy dancers.”

Medyo duda rin daw siya lalo na sa panahon ngayon na “techie” o namamayagpag ang modernong teknolohiya, madaling gumawa ng mga kung anu-anong litrato o video.

Pero para malaman ang katotohanan sa mga naglutangang litrato at video sa social media, sinabi ni Belmonte na personal niyang kakausapin ni Agarao.

Bahala na rin daw si Tolentino na magpaliwanag hinggil sa usapin. Nagbiro naman si Belmonte na baka raw mayroon ding magregalo sa kanya ng mga dancer para sa kaarawan niya bukas.

Sa mga kumakalat na video, makikita ang tatlong babae at isang lalaki sa stage kung saan may tarpaulin ni Congressman Agarao.

Marami ang nabigla nang biglang puma-ibabaw ang isang dancer sa naka-higang lalaki habang patuloy ang kanyang pagsasayaw na animo’y nakikipag-talik.

Paulit-ulit din daw na sinasabi ng emcee na si Tolentino ang nagregalo ng mga dancer kay Agarao.

Read more...