Mobile application na ‘Du30’ Daily’, inilunsad ng PCOO

By Rhommel Balasbas February 21, 2018 - 03:30 AM

Inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang isang mobile application kung saan maaaring makita ang araw-araw na aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang app ay pinangalanang ‘Du30 Daily: The President Speaks’ kung saan malalaman ang mga programang dadaluhan ng pangulo, kanyang mga talumpati at maging press conferences.

Layon ng naturang app na maipakita ang ‘transparency’ sa gobyerno.

Mayroon ding ‘tap to call’ option kung saan maaaring humingi ng tulong sa ilang mga hotlines ng gobyerno na 8888 at 911 sa oras ng emergency.

Ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar, ang pagbuo sa naturang app ay bahagi pa rin ng kampanya ng gobyerno kontra fake news.

Sa pamamagitan anya ng ‘Du30 Daily’ ay maihahatid sa publiko ang mga napapanahon at lehitimong mga impormasyon.

Ang naturang app ay maaring i-download ng libre sa Google Playstor at Apple App Store.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.